NAGBANTA ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu na kakasuhan ang sinumang mahuhuling magpapalipad ng saranggola
sa gitna na ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Ani Gov. Gwendolyn Garcia, dapat iwasan ang pagpapalipad ng saranggola at iba pang aktibidad na maaaring maikalat ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).
“We are still under ECQ. We need to as much as possible avoid social interaction. Let us not go out of our homes. Stay at home,” aniya.
Ginawa ni Garcia ang pahayag makaraang maispatan ang ilang saranggola sa kalangitan ng Cebu kamakailan.
Aniya, isang paglabag sa serye ng mga ipinalabas niyang executive order ang pagpapalipad ng saranggola.
Sinabi ng opisyal na dahil kinakailangang lumabas para makapag-saranggola, kailangan ng mga gagawa nito ng quarantine pass.
“If you fly a kite outside your house, that is a violation if you are a student. The same violation applies if you are already 65-years-old,” paliwanag ni Garcia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.