'Chickboy' na lawmaker ayaw umuwi sa probinsya dahil sa BF na naka-quarantine | Bandera

‘Chickboy’ na lawmaker ayaw umuwi sa probinsya dahil sa BF na naka-quarantine

Den Macaranas - April 14, 2020 - 02:46 PM

USONG-uso ngayon ang salitang “self-quarantine” sa publiko lalo na sa hanay ng mga pulitiko.

Ito rin ang ginawang dahilan ng isang “chickboy” (pwede sa chick, pwede sa boy) na mambabatas kaya’t hindi pa ito umuuwi sa kanilang lalawigan.

Ikinatwiran ng medyo machong mambabatas na mananatili muna siya sa isang lugar sa Metro Manila habang hinihintay ang resulta ng kanyang Covid-19 test.

Bagaman walang nararamdamang sintomas ay makikitang maayos naman ang kundisyon ni Sir pero siya’y sadyang maingat sa kanyang sarili.

Heto ngayon ang kwento, usap-usapan ngayon sa hanay ng mga tsismosong mambabatas na kasama umano ni Sir sa kanyang isolation ang kanyang boyfriend.

Bagaman pamilyadong tao ay may bahid ng dugo ni Eva ang pagkatao ng ating bida na sumikat makaraang kalabanin sa pulitika ang kanyang mga kaanak.

Minsan ko na rin siyang naisulat sa aking column dahil hanggang ngayon ay galit sa kanya ang isang sikat na aktor na pilit niyang pinatakbong congressman sa kanilang lalawigan pero natalo samantalang kumita naman ng malaki ang ating bida.

Mula sa kilalang angkan ng mga pulitiko sa isang lalawigan sa Southern Tagalog region si Sir pero ang mismong ama nito ang nagsasabi sa kanilang mga kababayan na huwag nang iboto sa susunod na eleksyon ng kanyng anak dahil sa umano’y pagkaml nito ng ill-gotten wealth.

Ang bida sa ating kwento na pwedeng ring maging modelo ng gym dahil sa laki ng pangangatawan pero may itinatagong BF ay si Mr. L….as in Lalakwe.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending