Heart nagpipinta para iwas ECQ stress; 3 payo ni Doc kontra-depresyon | Bandera

Heart nagpipinta para iwas ECQ stress; 3 payo ni Doc kontra-depresyon

Ervin Santiago - April 14, 2020 - 08:05 AM

SA panahon ngayon ng health crisis dulot ng COVID-19, bukod sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan upang makaiwas sa sakit, dapat bantayan din ang mental health ng bawat isa. 

Isang buwan na rin ang lumipas magmula nang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa ilang parte ng bansa.

At dahil dito, one month na ring naka-stay at home ang mga naninirahan sa rehiyon ng Luzon at iba pang probinsya sa bansa.

Ayon sa mga eksperto, normal daw na makaranas ng stress, anxiety, o depresyon ang ilan sa atin lalo pa at hindi tayo sanay na manatili lamang sa ating mga tahanan dagdag pa riyan ang mga nakakabahalang balita araw-araw. 

Sa kanyang podcast na “Adulting with Joyce Pring,” nakapanayam ng Kapuso star at Unang Hirit host si Dr. Gia Sison na isang medical doctor at kilalang mental health advocate tungkol sa pagpapanatili ng malusog na pag-iisip sa panahon ng krisis. 

Ilan sa mga payo ng doktor ay: 1). limitahan ang paggamit ng social media; 2). humingi ng tulong o suporta kung kinakailangan; 3). mag-ehersisyo at gumalaw-galaw kahit nasa bahay lang.

Hangga’t maaari ay umiwas muna sa socmed ngayong naka-stay at home para makaiwas sa stress na dulot ng mga bad at fake news. Mas maging aktibo sa physical activities kasama ang pamilya at kumpletuhin ang tulog para iwas sakit.  

 “Now is the best time to ask for support. There are a lot of people who are willing to lend support,” giit ni Dr. Sison.

Samantala, sa kabila ng quarantine, masayang nagdiwang sina Joyce at asawa nitong si Juancho Trivino ng kanilang 2nd month of marriage noong April 10 sa kanilang bahay.

* * *

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, may iba’t ibang paraan ang mga celebrities upang libangin ang kanilang mga sarili at labanan ang quarantine stress habang nasa bahay.

 Ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista ay sa pagpipinta ibinubuhos ang kanyang oras para maibsan ang stress at anxiety na kanyang nararamdaman. 

Kwento ng aktres sa kanyang Instagram post, “’Oh the canvas can do miracles, just you wait and see. This saying has been my mantra ever since and it never fails to calm my anxieties and inspire me to keep creating.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Passion talaga ni Heart ang pagpipinta at ito ang kanyang nagiging libangan habang naka-quarantine sa kanyang bahay. 

Isa rin sa Heart sa mga local celebrities na patuloy na nagpapaabot ng kanilang tulong sa mga kababayan nating apektado ng health crisis. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending