PARURUSAHAN ang sino mang mangha- harass sa mga frontliners at mga pasyenteng may coronavirus disease o COVID-19 sa Las Piñas City matapos maipasa at mapirmahan ni Mayor Imelda Aguilar ang City Ordinance No. 1685-20.
“Any form of discrimination or harassment committed against health workers, frontliners and coronavirus disease (COVID-19) afflicted residents is now a crime in Las Piñas City and violators would be meted with imprisonment and stiff penalties.” ayon sa statement mula sa city hall ng Las Piñas
Kasama sa city ordinance ang cyber-bullying o ano mang uri ng panghahamak sa mga frontliners, COVID-19 positive na mga pasyente, mga kamag-anak o close contact nila, at silang hinihinala pa lang na merong sakit nito.
Ang mapapatunayang magkakasala ay maaaring makulong ng hindi hihigit sa anim na buwan, magkakaroon ng 30 na araw na community service o magbabayad P5,000.
“Anyone who would be found violating the ordinance would face imprisonment of not more than six (6) months or 30 days community service, or P5,000 fine, and/or both fine or imprisonment. The jail term and fine would be without prejudice to other penalties provided in other existing laws and ordinances.” saad sa statement.
Pinakamataas na parusa naman ang matatanggap kung ang magkakasala ay isang public official bukod pa sa kasong administratibo na maaaring isampa sa opisyal na hahayaan o hindi gagawa ng aksyon laban sa ganitong harrassment.
Ilang insidente ng harrassment, kabilang na ang insidente sa Cebu City kung saan pinagbawal ang ilang mga nars na pumasok sa kanilang condominium unit, ang naganap dahil sa takot na dala ng mahawa sa sakit na COVID-19.
Naalarma ang Department of Interior and Local Governments sa mga balitang ito kaya nanawagan sila sa mga local government units na magpasa ng ordinansa laban dito.