6 OFWs nadagdag sa nahawa ng COVID-19

NADAGDAGAN ng anim ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs 660 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na nahawa ng COVID-19.

Sa mga ito 384 ang sumasailalim sa gamutan at 192 naman ang gumaling na o nakalabas na ng ospital.

 Pumanaw naman ang 84 OFW sa sakit na ito.

Ang mga nahawa na OFW ay nakakalat sa 40 bansa. Pinakamarami sa mga nahawang OFW ang nasa Asia Pacific Region (230) na sinundan ng Europa (220 kaso).

Read more...