DOH pinasalamatan si Angel Locsin: Mabuhay po kayo! 

PINASALAMATAN ng Department of Health si Angel Locsin sa ginagawa nitong pagtulong sa mga medical frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Isa ang grupo ng Kapamilya actress ang aktibo sa pagdo-donate ng mga misting and protective tents sa mga ospital para magamit ng mga healthcare workers at maging ng mga COVID-19 patients.

Ayon naman sa DOH, walang kasiguraduhan kung safe nga ang paggamit ng mga ganitong uri ng tent kaya hindi ito inirerekomenda ng kagawaran.

Pero agad namang nilinaw ng DOH na sumusunod ang grupo nina Angel sa ipinatutupad na protocol hinggil sa mga idino-donate na mga misting tents.

Pahayag ni Usec. Rosario Vergeire, nakausap na nila ang ang aktres tungkol sa kautusan ng Philppine General Hospital (PGH) na tanggalin ang misting tents na kanilang sinet-up doon.

Nasabi rin ni Vergeire na lahat ng dino-donate na medical supply at equipment kabilang na ang galing sa Team Angel ay nakasunod sa protocol ng DOH.

Sa kabila nito, ipinaabot naman ng DOH ang pasasalamat nila kay Angel at sa lahat ng mga nagbibigay ng donasyon para sa lahat ng mga apektado ng COVID-19 crisis.

Samantala, sa kanyang Instagram account, sinabi ni Angel na hindi na sila magdo-donate ng sanitation tents bilang pagsunod sa panawagan ng DOH.

“Due to your generous donations, we were able to provide tents to 69 hospitals to date. During this process, some hospitals have requested sanitation tents to help decrease the viral load for those coming in and out of their health care facility. The team was able to find a credible supplier complete with certification of effectivity and safety.

“Respecting the DOH latest announcement dated April 10, 2020 at 5pm, #unitentwestandph would no longer be donating sanitation tents but would still continue to help our healthcare frontliners with tents that they may use for themselves or for patient care.”

Read more...