NAGLABAS ng paalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga driver ng pampublikong sasakyan na kukuha ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Ayon sa LTFRB ang mga dapat lang pumunta sa pinakamalapit na sangay ng Landbank of the Philippines ay ang mga driver na nasa listahan na inilabas ng LTFRB.
Kung wala pa sa listahan ay dapat umanong maghintay ng anunsyo ng ahensya.
Sa mga nasa listahan, kailangang dalhin ang lisensya at xerox copy nito sa pagpunta sa bangko. Ang xerox copy ay dapat pirmahan ng dalawang beses.
Limitado lamang sa 500 PUV drivers ang bibigyan ng ayuda ng isang sangay ng LBP bawat araw.
Kung hindi aabot sa cut off ay maaaring bumalik sa susunod na araw.
Ang mga may tanong gaya ng maling pangalan sa listahan, at maling driver’s license, maaaring tumawag sa LTFRB HOTLINE 1342.