ARESTADO ang 23-anyos na lalaki na nanghablot umano ng cellphone ng isang bumibili ng isda sa Quezon City kahapon.
Si Rodel Gacera, ng Brgy. Santa Monica, Novaliches, ay nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition matapos makuhanan ng improvised na baril na may bala ng kalibre .38 revolver.
Bumibili ng isda ang biktimang si Abdul Jabar Manalo, 29, ng Brgy. Novaliches, alas-4:40 ng hapon sa Susano Market nang hablutin umano ng suspek ang kanyang cellphone.
Hinabol ng biktima ang suspek at nakita sila ng mga pulis sa lugar.
Nabawi sa suspek ang cellphone ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.