Ayuda sa senior citizens, at kapangyarihan ng DTI | Bandera

Ayuda sa senior citizens, at kapangyarihan ng DTI

Atty. Rudolf Philip Jurado - April 12, 2020 - 05:17 PM

KALIWA’t kanan ang nababasa natin sa social media at pahayagan tungkol sa mga ayuda o financial help na ibinibigay ng ating National Government at Local Government Unit (LGUs) sa ating mga kababayan ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Nagtatanong ang mga readers at tagasubaybay natin na senior citizens kung mayroon ba silang matatanggap na emergency subsidy o social amelioration fund na P5,000 hanggang P8,000

May katanungan din tungkol sa karapatan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng grace period sa commercial rent.

Ito ang ating tatalakayin ngayon.

1.May matatanggap ba ang mga senior citizens na emergency subsidy o social amelioration fund na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000?

Maliban sa mga indigent senior citizens na tumatanggap ng pension sa DSWD, hindi kasama ang mga senior citizens sa mga makakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 mula sa National Government. Ito ay dahil ayon sa Bayanihan Law at pati na ang Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2020, ang emergency subsidy o social amelioration fund na nagkakahalaga na P5,000 hanggang P8,000 ay ibibigay lamang sa mga pamilyang mahihirap o pamilyang kabilang sa informal sector katulad ng mga self-employed o nagtatrabaho sa self-employed na may panganib na hindi makapaghanapbuhay sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

2. Ang pamilya ba ng mga senior citizens ay maaaring makatanggap ng emergency subsidy o social amelioration fund na P5,000 hanggang P8,000?

Maaaring makatanggap ng emergency subsidy o social amelioration fund na P5,000 hanggang P8,000 ang pamilya ng mga senior citizens kung ang pamilya nito ay maituturing na kasama sa mahihirap na pamilya o informal sector na nanganganib mawalan nang hanapbuhay dahil sa Enhanced Community Quarantine.

3. May karapatan ba ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng grace period sa pagbayad nang commercial rent dahil sa Enhanced Community Quarantine?

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Memorandum Circular No. 20-12 kung saan binibigyan nito ng 30 days grace period ang mga lessee o umuupa na Micro, Small and Medium Enterprises upang bayaran ang renta na hindi nabayaran dahil sa Enhanced Community Quarantine na walang interest.

Ang hindi nabayarang renta ay maaaring bayaran (spread out) sa loob nang anim na buwan na magsisimula matapos ang Enhanced Community Quarantine.

Walang duda ang pagbibigay ng grace period sa commercial rent ay isang magandang hakbang para matulungan ang mga maliliit na negosyante sa panahon ngayon nang COVID-19 crisis, pero sa aking pananaw ito ay hindi naaayon sa Bayanihan Law. Ito rin ay salungat sa guidelines na nilabas ng Malacanang noong Marso 28, 2020.

Klaro sa Bayanihan Law at sa guidelines na ang grace period sa renta ay limitado lang sa residential rent at hindi kasama ang commercial rent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang karapatan o awtoridad ang DTI na palawakin ang Bayanihan Law at isama ang commercial rent.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending