KC binanatan ng netizen dahil lang sa nilutong pasta: Hindi ka nakakatulong!
NANG dahil lang sa iniluto niyang pasta dish, isang netizen ang nang-okray kay KC Concepcion at walang takot na tumawag sa kanya ng “gaga”.
Sa kanyang Instagram account, nag-share ang anak ni Megastar Sharon Cuneta ng isang pasta recipe pati na ang paraan ng pagluluto nito — ang “Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini.” May caption itong, “Pasta Night.”
Sa kanyang IG video, sinabi ni KC na ang mga kailangang ingredients dito ay ang mga sumusunod: white garlic, salmon, tomatoes, chili, salt, pepper, cayenne, paprika, coconut sugar, seasoning, tomato sauce, almond flakes at noodles.
Maraming nagkomentong netizens na mukhang masarap ang pasta dish ng singer-actress at ita-try nila itong gawin sa kanilang mga tahanan. Bukod daw kasi sa madali lang gawin ay healthy din ito.
Pero may isa ngang basher ang nambasag sa trip ni KC. Aniya, hindi praktikal ang magluto ng ipinost niyang pasta dish dahil mahirap daw hanapin ang mga ingredients na ginamit niya.
Ayon pa sa netizen, walang magandang idudulot ang mga paandar ni KC sa Instagram lalo pa’t limitado pa rin ngayon ang pagpunta sa palengke ng mga tao dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
“Dislike! Saan bibili ang mga ingredients kung sa palengke lang ang punta nila.
“Be practical hindi ka nakatutulong, sa mga kabayan na sa palengke lang ang takbo…paprika?! Gaga!” ang buong comment ng hater ni KC.
Ito naman ang sagot sa kanya ng aktres, “Hindi ko na ba ishare ung mga niluluto ko gamit ang laman ng pantry ko ate kung bad mood?
“Pati gluten free pancakes, cinnamon powder, chocolate spread, hindi na ba pwede ishare sa followers ko?”
Dagdag pa ng dalaga, “Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay… hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin.
“Hindi ko pa nga napost ang quinoa at ube pandesal galit ka na agad.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.