Raymart kay Claudine: Wala akong dapat ipangamba, kakampi ko ang pamilya ko! | Bandera

Raymart kay Claudine: Wala akong dapat ipangamba, kakampi ko ang pamilya ko!

Cristy Fermin - August 09, 2013 - 07:00 AM

Claudine Barretto at Raymart Santiago

Sa wakas, pagkatapos nilang magkahiwalay nang ilang buwan na ngayon, ay nagkaharap na ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte nu’ng nakaraang Miyerkoles nang hapon.
Unang humingi ng tulong sa husgado si Claudine para sa Temporary Protection Order nilang mag-ina, natatakot daw kasi ang aktres sa maaaring magawa sa kanila ni Raymart, may mga baril daw kasi ang aktor ayon pa sa kampo ni Claudine.

Sa kanyang pakikipagharap kay Claudine ay hiniling din ni Raymart sa korte na mapasakanya ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino, sa palagay ni Raymart ay siya ang mas karapat-dapat na magpalaki at sumubaybay sa kanilang mga anak, nasa mga isinumite niyang dokumento ang mga dahilan kung bakit.

Kasamang dumating ni Raymart sa hearing ang kanyang mga kapatid na sina Randy at Jun-Jun, may trabaho lang daw na mahalaga si Rowell, kaya hindi nakasama sa kanila.

“Wala akong dapat ipangamba, kakampi ko ang pamilya ko, suportado nila ako sa naging decision ko,” malinaw na pahayag ni Raymart nang pagbigyan niya ang hiling ng mga nandu’ng reporters para magbigay ng pahayag tungkol ginaganap na hearing sa pagitan nila ni Claudine.

Tama si Raymart, nakakapagpalakas nga naman ng loob ang pagsuporta ng mga magulang at kapatid, isang bagay na hindi masabi ni Claudine ngayon dahil hindi nito kasundo ang kanyang mga utol.

Pero may balitang kumakalat ngayon na magsasalita na rin si Mommy Inday Barretto isang araw para naman idepensa ang kanyang bunso. Natural lang ‘yun, mag-ina sila, saka bago pa ba naman ang pakikisali ng ina ng magkakapatid na Barretto sa mga ganitong usapin?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending