Kim sa bashers: Alamin n'yo muna, hindi yung narinig lang sa chismosang kapitbahay! | Bandera

Kim sa bashers: Alamin n’yo muna, hindi yung narinig lang sa chismosang kapitbahay!

Ervin Santiago - April 06, 2020 - 07:32 PM

GRABE ang tinatanggap na pamba-bash ngayon ng Kapamilya actress na si Kim Chiu mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Galit na galit sa dalaga ang mga haters dahil umano sa pambabatikos kay Duterte sa gitna ng kinakaharap na health crisis ng Pilipinas. Isa rin daw siya sa mga artistang nanawagan na patalsikin ang Pangulo sa kanyang pwesto.

Dahil dito, nakiusap na ang dalaga sa lahat ng mga haters na tigilan ang pagpapakalat ng fake news kasabay ng pagsasabing never niyang sinabi na bumama na sa pwesto si Duterte.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Kim ang screenshots ng pang-aaway ng netizens. Dito muli niyang ibinahagi ang mga tweet tungkol sa kanyang saloobin sa mga nagaganap sa gobyerno habang nakikipaglaban sa COVID-19 crisis.

Kabilang na nga rito ang pag-aresto at pagpapakulong sa 21 residente  ng Sitio San Roque, Bgy. Pag-Asa, Quezon City na nag-rally para manghingi ng relief goods.

Nadismaya rin si Kim sa balitang iimbestigahan ng National Bureau of Investigation si Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa paglabag umano nito sa To Heal As One Act sa panahon ng COVID-19.

At dahil nga rito, binanatan si Kim ng mga supporters ng Pangulo kaya naman agad nagpaliwanag ang aktres at sinabing hindi niya binatikos si Pangulong Duterte.

Sa ipinost niyang screenshot sa IG, ibinahagi ng dalaga ang sagot niya sa isang hater. Aniya, “Leaving this here! I dont know why all of a sudden nag dagsaan sila sa page ko. please we dont need this now.

“Alamin nyo muna hindi yung narinig nyo lang sa chismosang kapitbahay! Please Stop. Please.”

Ito naman ang sabi ng netizen,  “Bago ka mam bash kay president magbasa ka ng maigi intindihin mo wag puro fakenews wala ka nman matulong sa gobyerno puro kayo ngaw ngaw buysit kayo iba artista nang babash kay pres.”

Bwelta ni Kim, “I never bashed the president. Please know everything muna bago kayo mambash dito sa page ko!

“AND PLEASE! PLEASE! STOP THE HATE!

“Ang dami nyong time. Ibuhos nalang natin yung time natin sa pagdadasal na sana matapos na ang masamang panaginig na ito.

“Ang dami nang nahihirapan. Im sure pati ikaw din. Wala din naman mangyayari kahit may sabihin tayo o wala.

“Mas may mangyayari pa pag samasama at sabay sabay tayong magdasal. So please please STOP THE HATE!”

Isa pang netizen ang nakipagsagutan kay Kim sa Twitter. Sey ng aktres, “Leaving this here too. Alamin nyo muna bago kayo magdagsaan sa page ko! Hindi yung rinig rinig nyo lang. or basa basa sa ibang tao!”

Mababasa rin sa screenshot na sinabihan siya ng netizen na isa siya sa mga  mga gustong ma-“oust” si Pangulong Digong. Sagot sa kanya ni Kim, “Inaano ka ba kuya???!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May nakita ka ba sa feed ko about niyan sinasabi mo? Diko nga alam ibig sabihin ng oust oust na yan eh!

“Malay ko ba. Tigilan nyo na yan, nakakamatay ang hatred sa kapwa kuya. Dikanga tamaan ng covid. Iba naman tumama.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending