Social amelioration fund nakuha na ng 4Ps beneficiaries- DILG
NAKATANGGAP na umano ng tulong mula sa social amelioration program ang may 3.7 milyong pamilya na kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nilinaw din ng Department Interior and Local Government na hindi na kailangan pang magsumite ng Social Amelioration Card ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
Naipasok na umano ang pera sa ATM ng 3.732 milyong pamilya na bahagi ng 4Ps. Nagkakahalaga ito ng P16.347 bilyon na kinuha sa P200 bilyong inilaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
“So tama po ang balita na di nyo na kailangan ang SAC forms sa kadahilanang mauuna kayong makatanggap ng SAP Bayanihan Fund,” ani Año.
Para sa mga 4Ps beneficiaries na walang cash card accounts, ang pondo ay makukuha sa DSWD regional offices. Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para sa pamamahagi ng pondo.
Ngayong araw ay naipasok na ang pera sa account ng mga 4Ps beneficiary sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kahapon ay naipasok na ang pera sa mga account ng 4Ps beneficiaries sa CALABARZON (4-A), MIMAROPA (4B), Regions 8, 10, 11, 12 at CARAGA.
Noong Abril 4 naman nakakuha ang mga nasa Region 5, 6, 7 at 9.
Noong Abril 3 naman ang mga nasa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Regions I, II, at III.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.