outbrain

Netizens napa-wow sa katawan ni Diego Loyzaga sa beach 

By Ervin Santiago April 04,2020
share this

Netizens napa-wow sa katawan ni Diego Loyzaga sa beach 

By Ervin Santiago April 04,2020
share this

MAKALIPAS ang isang taon at kalahati, muling nagparamdam sa Instagram ang controversial hunk actor na si Diego Loyzaga.

Napa-wow ang mga fans and followers ng binata sa ipinost niyang litrato kung saan makikita ang hunky body nito habang nasa beach.

Nagbigay din siya ng message para sa lahat ng healthcare workers na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Hey Instagram! Hoping everyone’s doing okay and safe at their homes! For the ones at the frontline, thank you for being our heroes.

“I can understand that the most of us would be wishing to be at the beach so I might as well join you! See you all when this is over. Stay safe, we will get through this!” dagdag mensahe pa ni Diego.

Pinusuan ng mga netizens ang mga sexy IG photos ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga at halos lahat sila ay nagsabing sana’y pagkatapos ng health crisis ay bumalik na siya sa showbiz.

Bago pa magparamdam uli ang young actor sa IG ay madalas na siyang mag-post sa Twitter ng mga nangyayari sa kanya habang naka- enhanced community quarantine. 

Nagbahagi pa nga siya sa netizens ng kanyang fitness regimen na maaari ring gawin ng Team Bahay habang naka-stay at home para palakasin ang immune system. 

Kung matatandaan, napabalitang nagtangka umanong mag-suicide ang aktor matapos magkaroon ng matinding depression. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon o denial mula sa kampo ng binata.

Sa isang panayam naman sa nanay ni Diego na si Teresa na siguradong babalik sa showbiz ang anak pero hindi pa niya masabi kung kailan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending