KC: Nakakaiyak...sabi nga ni Mayor Vico, let's just work! | Bandera

KC: Nakakaiyak…sabi nga ni Mayor Vico, let’s just work!

Ervin Santiago - April 04, 2020 - 05:06 PM

KC CONCEPCION

“NAKAKAIYAK!” Ito ang naramdaman ni KC Concepcion nang mapanood ang video kung saan makikita ang pamimigay ng bigas ilang pamilya na naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19.

Ipinost ng singer-actress ang nasabing video sa Instagram para mas ma-inspire pa ang iba na mag-abot ng tulong sa mga pamilyang Pinoy na wala nang makuhanan ng pagkain sa araw-araw.

Ang 500 kilo ng bigas na ipinamahagi sa may 100 mahihirap na pamilya ay mula sa panibagong  donasyon ni KC.

 “Nakakaiyak. Nakaka taba din ng puso ang mga ngiti nila. Nahimasmasan sila, kaya nahimasmasan narin ako.

“Thank you @bigbadbawang and @mikaelamartinez for successfully distributing the 500 KILOS of rice I pledged for 100 families in BF.

“We can all make a difference whether we DIY, donate, or make actions toward helping, big or small.

“Sabi nga ni Mayor @vicosotto, ‘Let’s just work…Walang Pilipinong dapat magutom, lalong lalo na sa mga panahong ito.

“Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas,” caption ng singer-actress sa kanyang IG post.

Last Wednesday, namigay din si KC packed meals para sa mga healthcare workers sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City at sa Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas City.

Mensahe niya sa mga frontliners, “Filipinos have been coming together to help those on the frontline as consistently as we could. It’s so wonderful to see.

“Today, and yesterday, we sent out 400 ready-to-eat chicken & pork adobo in jars for our nurses, doctors, security guards and medical staff on duty.

“Veterans Memorial Medical Center yesterday, Perpetual Help Medical Center, Las Piñas today.

“Thank you @thepantry_ph for the food and @ravbmagpantaymd for personally receiving the delivery. We salute you and are lifting you up with our thoughts and prayers!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa lamang si KC na walang tigil sa pamimigay ng tulong sa mga kababayan nating matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa bansa. Kaya nga ang dasal ng kanyang fans and followers, sana’y dumami pa ang tulad niya. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending