outbrain

Shabu, baril nasamsam sa 19-anyos

By Leifbilly Begas April 04,2020
share this

Shabu, baril nasamsam sa 19-anyos

By Leifbilly Begas April 04,2020
share this

BARIL at shabu umano ang narekober ng pulisya sa 19-anyos na lalaki sa Quezon City.

Nahuli sa buybust operation si Christian Mark Tabuzo, 19, porter, at ng Brgy. Balingasa.

Nakabili umano ng shabu ang poseur buyer sa suspek alas-9:30 ng kagabi sa Old Samson Road, Brgy. Apolonio Samson.

Hindi na umano nanlaban ang supek na nakuhanan ng dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600, kalibre .22 revolver na may apat na bala at drug paraphernalia.

Samantala, nahuli naman ng Masambong Police si Rodel Mesina, 40, ng Brgy. Apolonio Samson, sa hiwalay na buybust alas-11:55 kagabi sa kanto ng EDSA at Kaingin Rd., Brgy. Apolonio Samson.

Narekober umano sa kanya ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Naaresto naman sa buy-bust operation ng Kamuning Police sina Aldrin Jay Antonio, 20, at Richard Talana, 23, alas- 2:30 kahapon sa Roces Ave. Brgy. Paligsahan. Nakuha umano sa kanila ang P6,800 halaga ng shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending