Banat ni Tito kay Isko: Mahimasmasan at magkaroon ng tamang katinuan
HINDI nanahimik na lamang si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patutsada ni Manila City Mayor Isko Moreno na ang mga senador umano ay kuda ng kuda at nakikita lamang kapag eleksyon pero kapag kailangan ng bayan ay nawawala.
Sinabi ni Senate President Tito Sotto na “Para naman dun sa ilang kababayan natin na nagyayabang at mahilig maghamon sa mga Senador at pulitiko na lumabas at tumulong sa kapwa, sana ay mahimasmasan kayo at magkaroon ng tamang katinuan”.
Ipinunto rin ni Sotto na nagsagawa ng special session ang Senado para mabigyan ng “mabisang ayuda” ang mga Pilipino.
At hindi na umano kailangan ng media para tumulong ang mga senador dahil maaari nila itong tahimik na gawin.
“Wala kaming mga media na nakabuntot sa amin 24 oras para makaEPAL lang sa panahon ng COVID19,” saad ng lider ng Kamara. “Batid namin na hindi ito ang panahon ng pasikatan o pagalingan. Lahat tao dapat panalo sa laban na ito. Walang Pilipino ang maiiwan.”
Hinamon din ni Sotto ang mga “mayayabang na local official” na wag gamitin ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan para sa pansariling ambisyon”.
“Tigilan na ang pagpapacover ng ating mga ginagawa, ito naman ay ating sinumpaang tungkulin. Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP (Kulag Sa Pansin).”
Dapat umanong ibuhos ang kakayahan at lakas ng mga pulitiko sa paglilingkod sa bayan.
“Hayaan natin ang mga kababayan natin ang siyang humusga sa ating liderato at pamumuno. Sa mga Pilipino, wag kayong mawalan ng pagasa. Kami pong mga senador ay gumagawa ng mga hakbang para makatulong sa administrasyon upang mails na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng Pilipino.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.