6 ospital sa Bicol makatatanggap ng P18M sa PCSO | Bandera

6 ospital sa Bicol makatatanggap ng P18M sa PCSO

Djan Magbanua - April 03, 2020 - 05:46 PM

ANIM na ospital ang mabibigyan ng hindi bababa sa P18milyon na tulong pinansyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay Nelly Loyola, PCSO Albay manager, ibibigay ang financial aid sa pamamagitan ng mga tseke.

Makakatanggap ng P10 million ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, P2.5 million each naman sa Eastern Bicol Medical Center in Catanduanes at Bicol Medical Center in Naga City, at P1 million each naman sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet, Dr. Fernando Duran Memorial Hospital sa Sorsogon City, at Masbate Provincial Hospital

Ang tulong pinansyal na ito ay para sa pagpigil sa pagkalat ng sakit na coronavirus o COVID-19. Gagamitin ito para sa pagbili ng testing kits, medical and diagnostic equipments, protective personal equipment (PPE) at gamot para sa mga may kaso ng COVID-19.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending