Luis Manzano sa basher: ‘Wag bobo, di kailangan na makapag-aral para may paninindigan!

HINDI na rin siguro nakapagtimpi si Luis Manzano nang tawagin niyang bobo ang isang basher sa Twitter.

Sa tweet nya kung saan nagreact siya sa pagpapatawag ng National Bureau of Investigation kay Mayor Vico Sotto nag-react din ang isang netizen.

“Ang iingay ng mga kasama mong artistang hindi nakapag aral. Bandwagoners. Pa woke. Pinoise!!!” sey ng isang @pamsaidwhat sa Twitter.

Ni-retweet ito ni Luis at sinabihan na ‘wag bobo’ ang naturang netizen.

“Hindi kelangan na makapag-aral para may paninindigan o opinion, wag bobo.” sey nya.

Nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon sa maraming sikat na personalidad ang ginawang pagpapatawag kay Mayor Vico noong Miyerkules ng gabi. Naging top trending topic pa worldwide ang #ProtectVico sa Twitter.

 

Read more...