Si congressman nag self-quarantine pero may kasamang boylet
USONG-uso ngayon ang salitang “self-quarantine” sa publiko lalo na sa hanay ng mga pulitiko.
Ito rin ang ginawang dahilan ng isang silahis na mambabatas kaya’t hindi ito umuwi sa kanilang lalawigan.
Ikinatwiran ng medyo pamachong mambabatas na mananatili muna siya sa isang lugar sa Metro Manila habang hinihintay ang resulta ng kanyang Covid-19 test.
Bagaman walang nararamdamang sintomas ay makikitang maayos naman ang kundisyon ni Sir pero siya’y sadyang maingat sa kanyang sarili.
Heto ngayon ang kwento, usap-usapan ngayon sa hanay ng mga tsismosong mambabatas na kasama umano ni Sir sa kanyang isolation ang kanyang boyfriend.
Bagaman pamilyadong tao ay may bahid ng dugo ni Eva ang pagkatao ng ating bida na sumikat makaraang kalabanin sa pulitika ang kanyang mga kaanak.
Minsan ko na rin siyang naisulat sa aking column dahil hanggang ngayon ay galit sa kanya ang isang sikat na aktor na pilit niyang pinatakbong congressman sa kanilang lalawigan pero natalo samantalang kumita naman ng malaki ang ating bida.
Mula sa kilalang angkan ng mga pulitiko sa isang lalawigan sa Southern Tagalog region si Sir pero ang mismong ama nito ang nagsasabi sa kanilang mga kababayan na huwag nang iboto sa susunod na eleksyon ang kanyang anak dahil sa umano’y pagkamal nito ng ill-gotten wealth.
Ang bida sa ating kwento na pwedeng ring maging modelo ng gym dahil sa laki ng pangangatawan pero may itinatagong BF ay si Mr. L….as in Lalakwe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.