Hindi lang si Mayor Vico, ordinaryong mamamayan target din ng NBI – Diokno

PATI mga ordinaryong mamamayan ay ipinapatawag ng National Bureau of Investigation, ayon sa human rights lawyer na si Chel Diokno.

Sa kanyang tweet Huwebes ng umaga, mayroon daw humihingi ng tulong sa kanya dahil ipinapatawag ng NBI dahil sa pag-popost raw ng mga hinaing online.

“Di lang si Mayor Vico. Pati ordinaryong mamamayang nagpo-post ng hinaing online, pinapatawag ng NBI. Tinanggap ko ang kasong ito dahil di na makatao ang nangyayari. Ang dami nang namamatay, pati frontliners, pero imbis na COVID, kritiko ang gusto nilang puksain. #ProtectThePeople” tweet nya.

Kasama ng tweet ay screenshot ng paghingi ng tulong at ang subpoena.

 

Isa si Diokno sa mga nagkondena sa pagpapatawag kay Mayor Vico ng NBI para pagpaliwanagin sa paglabag diumano sa Bayanihan Heal as One Act.

Read more...