Nadine reacts: Yung P275 billion hanapin nyo!

GRABE talaga ang naging impact ng mga lumalabas na isyu patungkol sa gobyerno dahil ang ilang mga personalidad na normally ay hindi nagsasalita about politics ay napapareact na rin ngayon.

Trending ngayon si Nadine Lustre matapos maglabas din ng kanyang saloobin ukol sa nangyayari sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng Instagram stories inilabas niya ang thoughts tungkol sa mga current issues na nagaganap tulad ng speech noong Wednesday night ni Pangulong Duterte.

“Covid exposed the government for what it really is. The people need help, compassion (minus Koko) and transparency not threat and lies”

Feeling din ni Nadine parang isang malaking April Fools jokes ang lumipas na linggo.

“Kahapon lang April fools, pero bakit parang ilang weeks na tayong naglolokohan??!”

Pero ang isang mabigat na tanong nya? Asan na raw ang P275 billion?

“Yung P275 billion hanapin nyo, wag ako. Kaloka. Makapaghalaman na nga.”

Ang tinutukoy ni Nadine ay ang P275 billion worth of public funds na budget para panlaban sa COVID-19.

Read more...