NAPA-REACT si Kim Chiu sa nag-viral na video kung saan ang ilang mga taga Sitio San Roque, Quezon City ay pinaghuhuli ng mga pulis.
Sila kasi ay nagbarikada at agaran silang pinaghuhuli ng mga pulis dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine at social distancing na ipinatutupad ng gobyerno.
Sey ni Kim hindi dapat sila hulihin o bugbugin bagkus idaan na lamang sana sa pag-uusap.
Sinabi rin ni Kim na hindi naman nila ito gagawin kung sila ay nabibigyan ng suporta ng local na pamahalaan.
“Ang hirap ng sitwasyon ng mga tao ngayon. Papasok na ang 3rd week of the community quarantine. Hindi dapat hulihin or bugbugin ang kailangan kausapin, they will not be doing those things kung nabibigyan sila ng tamang atensyon and support from the local government.”
Ang hirap ng sitwasyon ng mga tao ngayon. Papasok na ang 3rd week of the community quarantine. Hindi dapat hulihin or bugbugin ang kailangan kausapin, they will not be doing those things kung nabibigyan sila ng tamang atensyon and support from the local government. 🙏🏻 https://t.co/AOymB0bJui
— kim chiu (@prinsesachinita) April 1, 2020
Seeing this, sila ang padre de pamilya ng bahay nila. Sila ang incharge ng mag provide ng pagkain sa bahay nila. Paano na ang asawa at anak nila kung huhulihin pa sila. The local govt has to do something about this. 🙏🏻 https://t.co/WWi9UiKa8s
— kim chiu (@prinsesachinita) April 1, 2020
Dahil sa viral video na ito, nag-trending nanaman ang pangalan ni Joy Belmonte, na siyang alkalde ng Quezon City.