Vice Ganda: Kapit na kapit ang paniniwala ko na mase-save tayong lahat

VICE GANDA

KUNG inaakala n’yong okay na okay ngayon ang kundisyon ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, nagkakamali kayo.

Inamin ng TV host-comedian na natatakot siya ngayon para sa kanyang kapatid na si Dr. Tina Viceral, na isa sa mga frontliners na nakikipaglaban ngayon sa coronavirus disease (COVID-19).

Naging emosyonal si Vice habang nagkukuwento sa nakaraang live episode ng It’s Showtime kung paano naapektuhan ng health crisis ang kanilang pamilya.

Yung ate ko kasi, alam mo, ‘yun ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi ‘yung ate ko ay doctor, she goes to the hospital every now and then. So exposed siya. Ang lungkot ng buhay niya kasi ospital, tapos kapag uuwi siya ng bahay hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto. 

“Hindi niya nakakasalamuha ang nanay ko, hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko kasi ang nanay ko ay matanda na. So pagkagaling sa ospital, from sasakyan, diretso ng kuwarto, tapos dinadalhan lang siya ng pagkain,” simulang kuwento ni Vice.

Alam mo nakakaawa ‘yung pagkain niyang inaabot lang sa pinto. Kasi nga exposed siya. Everyday, hinaharap namin ‘yung fear na baka, hindi ba? Kasi exposed nga siya sa danger. Kaya noong nakaraan nagte-text siya sa akin kasi natatakot siya, pero kailangan niyang gampanan ang trabaho niya bilang doktor. 

“Siyempre kailangan ko maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako ‘yung panganay. Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan malakas ako. 

“Tinext ko lang siya ng isang linya. Sabi ko ‘Your faith must always be stronger than your fears.’ ‘Yun lang. Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako para sa kanya, kasi baka lalo siyang matakot,” pahayag pa ng komedyante.

Naniniwala naman si Vice na ang pananampalataya ang isa sa pinakamahalaga ngayon, “Ako talaga kapit na kapit ako sa paniniwala na maaayos ang lahat, mase-save tayong lahat. We have a God who saves and we have a God who will provide for everything that we need.”

Sa katunayan, isa lang ang wish niya sa kanyang 44th birthday, “Sabi ko talaga ‘Lord, kahit bawiin mo na po talaga lahat ng hair ko, kahit wala pong matira okay lang, basta matapos na po itong krisis na ito sa buong mundo. 

“Sig

Read more...