IBA’T ibang reaksyon ang inani matapos kumalat ang balitang pinagpapaliwanag ng NBI Anti-Graft division si Pasig City Mayor Vico Sotto sa posibleng paglabag diumano nito sa Bayanihan Heal As One Act, partikular sa pag-request niya sa gobyerno na hayaan makabyahe ang mga tricycle sa Pasig para sa mga healthworkers.
Pero tila mas marami ang kumampi kay Sotto at halos lahat ay na-shock sa ginawang ito NBI kaya nag-trend nanaman ang #ProtectVico.
Sa katunayang nag-trending ito worldwide.
Para sa marami, isang magandang ehemplo si Sotto na dapat na gawin ng isang public official, lalo na ang isang mayor, sa gitna ng krisis na kinakaharap na bansa dulot ng COVID-19.
Ilang sikat na personalidad din ang nagreact sa balitang ito. Maging sila ay bad trip sa nangyayari sa alkalde ng Pasig City.
May nasusuka, may nagsabing nabubuang na, meron din namang sumisigaw ng ‘Yoko na!!!!’.
Ani Kapuso actress Janine Gutierrez bakit hindi na lang daw si Senator Koko Pimentel, na lumabag sa kanyang quarantine protocols, ang ipatawag.
Busy po siya. Bakit hindi nalang si Senator Koko Pimentel ang ipatawag ninyo? Or yung isang Mayor, marami daw po kasi naghahanap sakanya. https://t.co/kcNdSvd5Qw
— nini (@janinegutierrez) April 1, 2020
Ganun din ang simpatya ni Angelica Panganiban. Nagtataka rin siya na kung sino pa raw ang may natutulong ay siya pa ang kakasuhan.
Wala silang mapag initan. Si mayor vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP! Eh nasan na yung nagkalat ng virus sa makati med? So far kasi yun palang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga.
— Angelica Panganiban (@angelica_114) April 1, 2020
Tila nawala ang ‘good vibes lang po!’ na prominent sa bio ng Twitter account ni Kim Chiu ng pati siya ay napa malakas na ‘Yoko na!!!’ sa balitang ito.
Like what?????!!!! Yoko na!!!! Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay 🤐🤐🤐🤐 https://t.co/D3UmQZXy5K
— kim chiu (@prinsesachinita) April 1, 2020
https://twitter.com/prinsesachinita/status/1245296677897961473
Being a responsible leader is harder. It takes compassion, heart, dignity and a lot of patience and ofcourse one has to be healthy physically and mentally in this trying time. Lets all help each other. We only have one another in this trying times.
— kim chiu (@prinsesachinita) April 1, 2020
Niremind naman ni Alessandra de Rossi ang ‘human compassion’ line na ginamit sa kaso ni Senator Koko.
Teka, asan ulit yung human compassion? 😅 Nalilito na ang feelings ko. https://t.co/Hc8Azinpgh
— alessandra de rossi (@msderossi) April 1, 2020
Sumali naman ang director na si Kip Oebanda sa trending worldwide na #ProtectVico
https://twitter.com/kipoebanda/status/1245290391139577857
Maging si Bianca Gonzales ay handa rin sa #ProtectVicoSotto
"March 24 naging batas ang Bayanihan Act." #ProtectVicoSotto pic.twitter.com/ofLnszpxVP
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) April 1, 2020
Ani veteran journalist Karen Davila bakit ito pa raw ang inuuna imbis na ang sakit na COVID-19 na siyang tunay na problema. Hayaan na lang sana ang mayor ng Pasig na gawin ang kanyang trabaho.
You have got to be kidding. Sa tindi ng problema sa #covid19… eto ang pinagkakaabalahan ninyo? Marami ang namamatay. Marami ang gutom. Focus on the real problem. Let the Mayor do his job. https://t.co/eB7ZvHTPxF
— Karen Davila (@iamkarendavila) April 1, 2020
Nagtataka din ang actress na si Jodi Sta. Maria kung bakit din si Vico ang pinagpapaliwanag ng NBI.
Si Vico Sotto talaga?! Bakit NBI? Ano meron? Eh yung iba? 😳 Nakakapanghina na minsan yung mga desisyon nyo.
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) April 1, 2020
Sey ni Maris Racal, sukang suka na siya sa gobyerno.
positive na sukang suka na sa government. good people are outnumbered.
— Maris Racal (@MissMarisRacal) April 1, 2020
React ni singer Julie Anne San Jose: nabuang na
nabuang na https://t.co/lAVfywDDh1
— JULIE ANNE SAN JOSE (@MyJaps) April 1, 2020
Sayang naman ang naging tweet ni Bela Padilla. Sayang daw ang taong tumayo at gumalaw para sa tao na pinapaupo ulit.
https://twitter.com/padillabela/status/1245300602021621760
Sa isang tweet sinagot ni Mayor Vico ang NBI at sinabing nag comply sila sa direktiba at hindi illegal ang pagbibigay ng opinyon