15 huli, P300 shabu nasamsam sa QC | Bandera

15 huli, P300 shabu nasamsam sa QC

Leifbilly Begas - April 01, 2020 - 01:16 PM

KALABOSO ang 15 katao at nasamsam ang mahigit P300,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na drug operation sa Quezon City.

Nahuli ng Batasan Police si Riden Saripada, 39, sa isang buybust operation alas-2:30 ng hapon kahapon sa Acapolco st., Lower Jasmin, Area A, Brgy. Payatas, at narekober umano sa kanya ang P170,000 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng La Loma Police Station si Michael David, 39, alas-3:30 ng hapon kahapon sa Iriga st., Brgy. Sta. Teresita habang gumagamit umano ng shabu sa nakaparadang jeepney.

Sina Robert Mamasu, 48, ng Brgy. Paltok at Dante Gimena, 58, ng Brgy. Bungad, ay naaresto naman ng Masambong Police alas-9:20 kagabi sa Gomez st., Brgy. Paltok at nakuhanan umano ng limang gramo ng shabu.

Talipapa Police naman ang umaresto kina Mark Lester Bartolome, 31, Ronnel Azucena, 32, Hope Therese Rose Collante, 64, at Mark Francis Cayabyab, 19, alas-5:20 ng hapon sa Project 8, Brgy. Bahay Toro.

Nahuli naman sa Cubao si Clode Agot, 23, alas-5 ng hapon at nakuhanan umano ng P13,000 halaga ng shabu.

Project 4 Police naman ang humuli kina Marx Donasco, 42, Reyan Tolentino, 37, Christopher Renz Sitson, 26, Michael Pataksil, 43, Jacky Mercado, 31, at Jurdan Cainglet, 38, sa dalawang operasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending