Quarantine kailangang i-extended ng 30 araw
DAPAT umanong palawigin pa ng 30 araw ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice masasayang ang 30 araw na ECQ na matatapos sa Abril 14 kung aalisin na ito.
“Science, the experience of other countries, and common sense would dictate that the Philippine government should extend the enhance community quarantine for another 30 days as we continue to grapple with hard facts on the real statistics of covid19 spread in our communities,” ani Erice sa isang pahayag.
Sinabi ni Erice na masasayang ang nakamit ng bansa laban sa COVID-19 kung hindi palalawigin ang ECQ.
Worst, to lift the ECQ would most likely result to the resurgence of the dreaded virus and more likely would affect the blighted areas of urban centers.”
Para maipatupad ang extension ay kailangan umanong tiyakin ng gobyerno na may sapat na suplay ng pagkain lalo na ang mga mahihirap at lower middle class.
“Local government should reallocate all their community development fund and special activities fund to food and medical supply and acquire all necessary facilities for worse case scenario.”
Gagawa ang Inter Agency Task Force ng pamantayan kung kailangan ng alisin ang ECQ o dapat itong ipagpatuloy o kung pipiliin na lamang ang mga lugar kung saan ipatutupad ang ECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.