Heart bagong superhero kontra COVID-19; 3 Kapuso stars nagtatag ng #RelievePH
SUPERHERO na rin ang turing ngayon ng mga Pinoy sa Kapuso actress na si Heart Evangelista.
Isa ang misis ni Chiz Escudero sa mga celebrities na walang sinasayang na araw habang ipinatutupad ang lockdown sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Talagang hindi siya tumitigil sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan sa gitna ng health crisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa pamamahagi ng relief goods, food packs at gamot sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine, hindi rin nakalimutan ni Heart ang pag-ayuda sa mga bayani nating frontliners.
Sa latest Instagram post ng Kapuso star, ibinahagi niya sa kanyang followers ang mga ido-donate niyang face masks sa mga healthcare workers.
Ayon kay Heart, napakalaki ng sakripisyong ginagawa ng mga frontliners ngayong panahon ng krisis, sila ang mga bagong bayani na dapat ding pangalagaan ng pamahalaan dahil sa pagbibuwis nila ng buhay.
“Leaving a little note with all the boxes. Hoping this helps lift up their spirits. Sending out more masks to our frontliners and those out there who have none,” mensahe ni Heart.
* * *
Tuluy-tuloy nga ang pamamahagi ng Kapuso stars ng tulong sa frontliners kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga apektado ng COVID-19.
Kabilang na nga riyan ang pagkakatatag ng non-profit organization na RelievePH na binuo ng magkakaibigang Kapuso stars na sina Juancho Trivino, Thea Tolentino at Mikoy Mirales kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Ito’y para makalikom ng donasyon at makapagbahagi ng Personal Protective Equipment o PPE, katulad ng gloves at masks sa mga ospital na nangangailangan.
Ayon sa Instagram post ni Juancho, “Me and my barkada recently started a non-profit group to be somewhat of a middle man for Hospitals in need. We have also put in our own resources to help out in the fight against COVID-19 today. In our own little way, we shall help.
“So, if you have gone this far in reading my caption here is my request, maybe you know where we can get at cost or donate medical Personal Protective Equipment (gowns, N95 masks, gloves) please do message @relieve.phor here mismo pwede din. Maybe you guys can also help our cause by donating to us or to hospitals directly.”
Kung nais mag-donate, makipag-ugnayan lang sa RelievePH official Instagram account at sa Facebook page nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.