35.6 degress celsius pinakamainit na temperatura sa MM ngayong taon
NAITALA noong Marso 29 ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naitala ang 35.6 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City.
Ito ang pinakamataas na temperatura na naitala sa Metro Manila mula ng ideklara ng PAGASA ang tag-init noong Marso 20.
Ang pinakamainit na temperatura na naitala sa bansa ngayong taon ay 37.9 degrees Celsius sa Cotabato City noong Marso 20.
Sa kasaysayan ng Metro Manila ang pinakamainit na naitala ay noong Mayo 17, 1915 sa Port Area, Manila.
Ang pinakamainit na temperatura naman na naitala sa bansa ay 42.2 degrees Celsius sa Tuguegarao, Cagayan noong Abril 22, 1912 at Mayo 11, 1969.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.