Caloocan City councilor nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

Caloocan City councilor nagpositibo sa COVID-19

Leifbilly Begas - March 30, 2020 - 05:26 PM

(Photo from Councilor Enteng Malapitan Facebook account)

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 si Caloocan City Councilor Enteng Malapitan, anak ni Mayor Oca Malapitan at kapatid ni Cong. Along Malapitan.

“Ikinalulungkot kong ipagbigay alam na ako’y nasuring positibo sa COVID-19,” saad ng konsehal sa kanyang Facebook post.

Naka-quarantine na umano ang konsehal at ang kanyang pamilya at nanawagan sa kanyang mga nakasalamuha mula Marso 15 na mag-self quarantine rin.

“Tanggap ko na kasama sa ating paninilbihan ang posibilidad na maaari kong makuha ang iniiwasang sakuna dulot ng tuluy-tuloy na pakikipagsalamuha sa ating mga kababayan. Bago pa man din naisagawa ang COVID test sa akin ay naisagawa ko na ang physical distancing sa aking mga nakasalamuha. Ganun pa man, hinihikayat ko pa rin kayong lahat na aking nakasalamuha mula March 15, 2020 na mag-self-quarantine upang maiwasan ang hawaan.”

Sinabi ng konsehal na nasa maayos na kalagayan ang kanyang ama at kapatid.”Bago pa man din ang lahat ay may social distancing na kami sa isa’t isa at magkahiwalay ang aming mga pamamahay.”

Umapela ang konsehal ng dasal para sa mabilis na paggaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending