Imbestigasyon sa plane crash isinulong ng Palasyo
ISINULONG ng Palasyo ang imbestigasyon kaugnay ng pagsabog at pagkasunog ng isang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan walo ang nasawi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ikinalulungkot ng Malacanang ang insidente.
“We extend our deepest sympathies to the grieving families of those who perished in the crash,” sabi ni Panelo.
Nagkaroon ng problema ang Westwind 24 aircraft habang pa-take off sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport alas-7:58 ng gabi noong Linggo.
Papunta ang eroplano sa Haneda, Japan para magdala ng pasaherong may sakit.
“There must be a thorough investigation of the incident and the concerned government agencies must undertake measures to secure the safety of private aircrafts as well as their passengers and crew,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.