outbrain

Kilalang politiko binasted ni Kris Aquino sa socmed: Hindi ako nabobola sa IG!  

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

Kilalang politiko binasted ni Kris Aquino sa socmed: Hindi ako nabobola sa IG!  

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

BASTED agad-agad si Batangas Vice Governor Mark Leviste kay Kris Aquino.

Hindi umubra kay Tetay ang panliligaw ng politiko sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng mensahe tungkol sa mga hugot ng mga Pinoy dahil sa lockdown. Aniya, natural lang sigurong makaramdam ng kalunglutan ang isang tao na ilang linggo nang hindi nakakalabas ng bahay.

Ipinost niya ang artcard na may mensaheng, “Choose who choose you.” Nilagyan niya ito ng caption na, “Siguro ‘social distancing’ is making us feel lonely, kaya maraming #hugot posts… pati ako super #emo yung playlist that I’ve been listening to, #honest lang.

“Para maging mas simple ang buhay, siguro magandang sundin ang payo ng artcard na ‘to… mag love life forum tayo, let’s chat, straight from the heart? Sino yung mga #blessed na nakapili at pinili na?” 

Isa sa mga nag-comment dito ay si Vice Gov. Mark na sumagot ng, “I choose you (yellow heart emoji).” Pero mabilis na sagot sa kanya ni Kris, “No thank you, no offense.”

Maraming followers si Kris ang nagsabing bakit daw hindi niya bigyan ng chance ang politiko, baka ito na raw ang kanyang “forever.”

Sagot ni Tetay, “It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished–I think the saying is when you know there are still broken fragments, don’t make someone else pick up the pieces–he’ll end up getting hurt and you won’t become whole again.

“Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past… Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life. My heart has to know there are absolutely no leftover feelings.”

Inamin din niya na hindi niya nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap sa kanya ni Mark, “He wasn’t very polite with his text messages and to quote Jennifer Aniston from way back–there was a ‘sensitivity chip missing’ that’s why I chose the safe out–bringing up someone from the past–it’s much more proper because nobody is to blame. 

“Hindi ako nabobola sa IG comment. Words mean very little when not backed by action,” aniya pa.

Mukhang mabilis namang naka-move on ang politiko sa pambabasted ni Kris nang sabihin niyang, “Thank you for being honest and open! #nakapili pero hindi #pinili.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending