outbrain

Professor na tumawag kay Angel Locsin ng fake ‘binugbog’ ng netizens

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

Professor na tumawag kay Angel Locsin ng fake ‘binugbog’ ng netizens

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

ANGEL LOCSIN

BUGBOG-SARADO ang nagpakilalang professor at sociologist sa netizens matapos tawaging fake at plastik si Angel Locsin.

Sinegundahan nila ang ginawang pagtatanggol ng film producer fiance ni Angel na si Neil Arce laban sa basher na nagsabing napaplastikan siya sa pagtulong ng Kapamilya actress sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic lalo na ang frontliners.

Tinawag na publicity at self-promotion ng nagpakilalang sociologist at professor ang pagbibigay ni Angel ng ayuda sa mga frontliners at medical personnel.

“I can feel that Angel Locsin is not genuine. I am not dumb. I am a sociologist. I know her sincerity is fake,” panglalait ng basher kay Angel.

“This is the reason why we are doing this to help our frontliners by making sure they are protected, making sure they can rest and by making sure we do everything we can to make their lives easier,” bahagi naman ng resbak ni Neil sa hater.

Sa Facebook page ng BANDERA kung saan lumabas ang pagtatanggol ni Neil sa kanyang future wife, dinepensahan din ng mga netizens si Angel. 

“Ang mga ganyang tao mag isip mga bobo at d marunong tumingin. Dba nila nakita o alam n kahit saan may trahedya dto s bansa ntin andon c angel locsin tumutulong sa mga naapektuhan,” comment ni Bhingski Tarikz.

Sey naman ni Elsa Tegui, “Aba aba nman kng plastic c angel locsin. Sa paningin mo wla kmi pki. Mgpasalamat ka ang milyon Nia na Pera ipamudmod Nia NG wlang kisapmata. Nag thank you ka man lang HoyScott tibayan mo mukha mo.”

“Mga basher..gumawa kayo ng sarili niong pagtulong…walang magawa yang pang babash nio… Buti pa ung lod nio donate nio nalang,” komento ni Alienated JB.

“Mga basher dapat kapitan ng covid 19 kc mga walang puwang sa mundo,” ani Annaiah Gesmundo.

“Baka naiingit lng ang sociologist na yan kay angel. Tumutulong na nga binabash pa. Anong silbi ng bash mo? Dapat yung mga leaders na walang ginagawa ang binabash mo,” post ni Skyler Harmony.

Comment naman ni Ellen Torres,  

“Ito yung gunggong na nag post nyan. Pero deleted na sa fb nya. Natakot yata. naka private ang comment box nya.”

“Matagal nang tumulong si angel…..yung iba dyan….napakayaman ….

wala namang nagawa….inggit lang kayo!” lahad ni Marivic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending