outbrain

Iza Calzado pwede nang lumabas ng ospital kapag…

By Cristy Fermin March 30,2020
share this

Iza Calzado pwede nang lumabas ng ospital kapag…

By Cristy Fermin March 30,2020
share this

DALAWA ang positibo sa magaling na aktres na si Iza Calzado. 

Positibo siya sa COVID-19 at positibo rin ang pananaw niya sa pagharap sa kinatatakutang salot na ito sa buong mundo.

Napakalaki ng naitutulong sa pasyente ng pagiging positibo. Nakapagpapataas ‘yun ng immunity, utak palagi ang nagdidikta sa ating katawan, sikolohikal ‘yun na napakaganda ng nagiging resulta sa maysakit.

Paganda na nang paganda ang kanyang kundisyon ngayon, isang test na lang ang kanilang hinihintay, pagkatapos nu’n ay maaari na siyang lumabas sa ospital at sa bahay na lang ipagpapatuloy ang kanyang pagpapagaling.

Sabi nga ng mga kaibigan naming doktor ay may dalawang katangian ngayon ang mga ospital. 

Ito ang pinakaligtas na lugar ngayon at pinakadelikado rin.

Kaya nga kasalu-saludo ang mga frontliners na nagsasalang ng kanilang buhay sa indulto. 

Kapuri-puri ang ginagawa nilang pagkalinga sa mga biktima ng COVID-19.

Walang kasiguruhan ang kanilang buhay sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin nang makapasa sila sa board exam. 

Hindi nila inaalintana ang kanilang kaligtasan, nasa kanilang dibdib ang matinding takot, pero inuuna pa rin nila ang pagsasalba sa buhay ng kanilang kapwa.

Mabuhay ang mga frontliners!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending