outbrain

Sarah umaming ‘durog ang puso’ ni Matteo; Popsters may hiling kay Luis

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

Sarah umaming ‘durog ang puso’ ni Matteo; Popsters may hiling kay Luis

By Ervin Santiago March 30,2020
share this

NAGING madamdamin at inspiring ang live episode ng ASAP Natin ‘To kahapon kung saan muling nagsama-sama ang Kapamilya stars sa pamamagitan ng isang virtual concert.

Pinangunahan ito ng mga host ng show na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Isa-isang bumati ang mga ito mula sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng live streaming at video call.

Sa kanyang opening message, muling ipinaalala ng I Can See Your Voice host na si Luis ang kahalagahan ng social distancing kahit sa loob ng bahay at ang istriktong pagsunod sa home quarantine.

“Sana ay safe kayo sa inyong mga bahay kasama ang inyong mga mahal sa buhay. 

“Medyo kakaiba ang show natin ngayon dahil lahat kami ay nasa aming mga bahay. Sana kayo din dahil mayroon tayong enhanced community quarantine,” ani Luis. 

Sa isang bahagi ng programa kilig overload muli ang hatid ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na talagang isa sa mga inabangan ng Kapamilya viewers.

Sa katunayan, bago pa magsimula ang live streaming ng ASAP kahapon, top trending topic na sa Twitter ang hashtag #Mr&MrsGuidicelliOnAsap matapos dahil sa balitang may duet (via Zoom) ang bagong kasal.

Muling ipinalabas sa ASAP ang duet ng AshMatt sa Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert last week at dito rin nagkuwento ang Popstar Royalty tungkol sa 30th birthday ni Matteo nang kumustahin ni Luis kung paano nila ito ipinagdiwang.

“Si Matt just celebrated his birthday noong March 26, trenta na rin siya. Medyo mixed emotions lang din.

“Sabi nga niya sa akin, ‘Love, parang hindi ko matawag na happy ang birthday ko,’ kasi talagang nadudurog ang puso niya sa mga nababasa niya, naririnig niya na balita sa mga nangyayari, especially sa mga kababayan natin na helpless talaga na hirap na hirap sa mga pagkakataon na ito,” kuwento pa ni Sarah.

Ang birthday wish nga raw ni Matteo ay matapos na sana ang COVID-19 pandemic, “Medyo nakakalungkot talaga,”  sabi pa ni Sarah.

Samantala, speaking of Luis, may mga netizens na nagre-request kasama na ang mga Popsters na sana’y ipalabas muli ang guesting ni Sarah G sa I Can See Your Voice sa ABS-CBN.

Ito yung episode kung saan nakasama ng Popstar sina Ara Mina at Kim Molina para sa promo ng pelikula nilang “Unforgettable” ng Viva Films. Isa raw kasi ito sa mga unforgettable guesting ni Sarah sa programa na nag-trending din sa social media.

Kung hindi kami nagkakamali, dito ibinuking ni Luis ang naging experience ng singer-actress sa isang Hapon habang nagpe-perform sa isang entertainment venue sa Japan. 

Kaya sa mga taong bumubuo sa I Can See Your Voice, sana’y mapagbigyan n’yo ang hiling ng mga Popsters! Napapanood pa rin ang number one mystery music game show sa bansa tuwing Sabado ng gabi after Maalaala Mo Kaya. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending