Bitoy: Bayani lang ang mga frontliner, hindi sila superhero | Bandera

Bitoy: Bayani lang ang mga frontliner, hindi sila superhero

Ervin Santiago - March 30, 2020 - 08:26 AM

MICHAEL V

“MGA kababayan, ngayong panahon ng krisis, iwasan ang mambwisit!” 

Yan ang ipinadiinan ng Kapuso TV host-comedian na si Michael V sa ginawa niyang tula habang nakikipaglaban ang sambayanan sa killer virus na COVID-19.

Aniya pa, mga bayani lang ang mga frontliners at hindi sila mga superhero kaya dapat ding isaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Nais lamang ipagsigawan ni Bitoy na oras-oras ay nasa panganib ang mga doktor, nurse at iba pang healthcare workers dahil sa pagtugon sa kanilang tungkulin sa bayan. Hindi sila tulad ng mga superhero na mga imortal at walang kamatayan.

Kaya ang hiling niya, sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng pamahalaan para mas mapadali ang pagkontrol sa COVID-19.

Nag-post ng video si Michael V. sa Instagram kung saan ipinarinig niya ang tulang ginawa na isang panawagan sa lahat ng Pinoy ngayong panahon ng krisis.

“Mga kababayan, ngayong panahon ng krisis, iwasan ang mambwisit, ‘wag na kayong mambwisit,” panimula ni Bitoy.

“Sa paglaki, itinuro ang kabutihang-asal, ang magmahal sa bayan, at sa Diyos ay magdasal.

“Pero balewala ang dasal kung puro ka putak sa sitwasyong kailangang gamitan ng utak.

“Pampublikong taga-paglingkod pero makasarili, pinagduduhan ka na nga, nakuha mo pang mag-grocery.

“May iba namang sigurong ginagawa rin ‘yan, ‘yung mga liko ang pag-iisip o ‘yung walang pinag-aralan.

“Isa ka ba sa mga ‘yon? ‘Di ba hindi naman? Pero hindi ka nag-ingat, ikaw ngayon ang tinututukan,” bahagi ng tula ng Bitoy.

Nakiusap din ang Kapuso comedian na konting tiis pa sa ipinatutupad na lockdown dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat.

“Kung gusto n’yong makatulong, d’yan na lang kayo sa bahay n’yo. ‘Wag nang magsinungaling at ‘wag nang matigas ang ulo.

“Kung alam n’yo na ang kuwento, dapat matuto rin kayo.”

“Bayani lang ang mga frontliner, hindi sila superhero.”

Sa huling bahagi ng video, nag-sorry naman si Bitoy sa matatalim na  salitang ginamit sa kanyang tula. Pero aniya, ito ang naisip niyang paraan para paalalahanan ang publiko na seryoso ang kinakaharap na krisis ng bansa. 

“Pasensya na kayo sa matatalim na salita, alam kong wala rin naman akong magagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Katulad ng iba, ito lang naman ang kaya ko at kung hindi ito, e ‘di sige, magti-TikTok na lang ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending