Staff ni Bong Revilla pumanaw sa COVID-19
ISANG staff ni Sen. Bong Revilla ang namatay sa coronavirus disease 2019, ang unang empleyado ng Senado na nasawi sa naturang virus.
Sa isang pahayag kinumpirma ni Revilla ang pagkamatay ng kanyang staff.
“I lost my staff and friend of almost 30 years to this COVID-19 this afternoon. I ask everyone for prayers especially para sa kanyang iniwang mga mahal sa buhay,” saad ng pahayag ni Revilla.
“Everything was so fast and sudden. He has been with me mula sa pag-aartista – through the ups and downs, the thick and thin – tapos ngayon wala na siya. “Salamat sa pagmamahal hindi lang sa akin kundi pati sa aking pamilya – asawa, mga anak, at mga apo – lalo na sa mga panahon ng matinding pagsubok hindi mo ako iniwan. Pero ngayon, napakabilis ka namang kinuha sa amin, at ‘ni huling pamamaalam, hindi namin pwedeng ibigay sa’yo. Napakasakit.”
Sinabi ni Revilla na “napakabagsik ng sakit na ito. At sa pagdapo nito kung kanino, daig pa ang napakatalas na punglo na babaon sa puso ng mga nagmamahal sa’yo.”
“We had a good run. I will miss you. It will not be the same,” dagdag pa ng mambabatas. “Dalangin kong huwag na mapagdaanan pa ninuman ang sakit na pinagdadaanan namin ngayon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.