ARESTADO ang 11 katao na armado ng mga patalim at baril sa isang checkpoint sa Quezon City kahapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rogelio Alamo, 62, Alexander Rosal, 40, Freddie Tamba, 37, Julius Real, 42, Jolito Abines, 32, Johnrey Canino, 22, Rolando Bermudo, 53, Francisco Cambaya, 42, Jenego Oracoy, 36, Diorico Judith, 48, at Rolando Pineda, 39. Ilan umano sa mga suspek ay nakasuot ng camouflage military uniform at combat boots.
Galing umano ang mga suspek sa Maharlika Village sa Taguig City at magdadala ng relief goods sa kanilang mga kapwa Muslim.
Sakay umano ang mga suspek ng multicab (VIR 531) at tatlong motorsiklo nang dumaan sa Enhanced Community Quarantine checkpoint sa Aurora Blvd., Brgy. Doña Imelda alas-4:30 ng hapon.
Hindi umano huminto sa checkpoint ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis.
Narekober umano sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 revolver na walang lisensya at tatlong patalim.
Mayroon din umanong tarpaulin na nakuha sa mga suspek na mayroong litrato ni MNLF founding chairmanr Nur Missuari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.