outbrain

Ruby Rodruguez, asawa’t anak dagdag sa listahan ng COVID-19 ‘PUI’

By Ervin Santiago March 29,2020
share this

Ruby Rodruguez, asawa’t anak dagdag sa listahan ng COVID-19 ‘PUI’

By Ervin Santiago March 29,2020
share this

KABILANG na sa listahan ng persons under investigation (PUI) sa COVID-19 ang TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez pati na ang kanyang asawa at anak.

Nagkaroon kasi sila ng close contact sa kapatid ni Ruby na si Dr. Sally Gatchalian, na sumakabilang-buhay nitong nagdaang Sabado dahil sa COVID-19.

Sa record ng Department of Health, si Dra. Gatchalian ang ikasiyam na doktor na namatay dahil sa killer virus. Siya ang presidente ng Philippine Pediatric Society.

 Itinuturing na bagong bayani ang doktor pati na ang lahat ng frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam kay Ruby, tapos na sana ngayong araw ang quarantine period nilang mag-anak pero in-extend pa ito ng isang linggo dahil nga sa close contact nila sa  kapatid nitong mga nakaraang araw.

Sa isang Instagram post ni Ruby, ibinandera niya sa buong mundo ang pagmamahal sa kanyang ate.

“I love you so much my big sister (heart emojis) smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!” aniya.

Sa huling report ng DOH, mahigit 1,000 na ang confirmed case ng COVID-19 sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending