outbrain

#Kilig pa more: AshMatt fans nagulat sa b-day paandar ni Sarah kay Matteo

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

#Kilig pa more: AshMatt fans nagulat sa b-day paandar ni Sarah kay Matteo

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

MULING pinakilig ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang madlang pipol sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic scare sa bansa.

Aliw na aliw ang AshMatt fans sa naisip na paraan ni Sarah para batiin ng happy birthday ang kanyang mister. Ngayong araw ang mismong 30th birthday ni Matteo.

Ikinagulat ng netizens ang birthday message ni Sarah na kanyang ipinost sa pamamagitan ng mismong Instagram account ni Matteo.

Ipinost ng Popstar Royalty ang ilan sa mga super cute na childhood photos ng asawa na talagang ikinatuwa ng kanilang fans. 

Sey pa nga ng Kapamilya singer-actress malaki pala ang pagkakahawig ni Matteo kay Lucho, ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Caption ng Popstar sa mga litrato ni Matteo, “Happy Birthday to my loving and caring husband!! Kamukha mo si Lucho Dito!! Hehe [heart emoji] I love you mahal ko.”

Ganito rin ang ginawa ng 13-year-old brother ni Matteo na si Paolo, nag-post ito ng throwback photos sa Instagram bilang pagbati sa kanyang kuya.

 “Happy Birthday @matteog I can’t believe ur [3 and 0 emoji] Kuya in that photo ur such a cool kid,” aniya sa caption.

Ang ilan pa sa mga celebrities na bumati sa aktor ay sina Angelica Panganiban, Jason Abalos at Martin Nievera na nagbiro pa sa greeting niya na, “Happy birthday Mr, Geronimo!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending