outbrain

Local exec na bigong gampanan ang trabaho vs COVID-19 maaaring sibakin-Año

By Bella Cariaso March 26,2020
share this

Local exec na bigong gampanan ang trabaho vs COVID-19 maaaring sibakin-Año

By Bella Cariaso March 26,2020
share this

SINABI ni Interior Secretary Eduardo Año na maaaring sibakin sa pwesto ni Pangulong Duterte ang isang mayor na bigong gampanan ang kanyang katungkulan sa harap ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

“Yes of course, that’s within the power of our President. If a mayor or even a governor abused his authority or defy an order, we can immediately put him under preventive suspension for 60 days, that’s the power of the President even before the investigation is conducted; or the President can also dismiss any local chief executive kung kinakailangan. So iyan ay nasa prerogative lahat ng ating Pangulo kaya alam natin na mayroong sapat na kapangyarihan ang Pangulo,” sabi ni Año.

Ito’y sa harap naman ng mga batikos na tinatanggap ng isang mayor dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan.

“Pero sa ngayon nakikita naman natin, lahat ng LGU is sumusunod, mga local chief executives. Nasosobrahan pa nga ng initiative kaya binabawasan natin eh,” dagdag ni Año.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending