Angeline nakipaghiwalay sa dyowa; nabuking na may ka-live in at anak na
NI-REVEAL ni Angeline Quinto via social media ang naging relasyon niya sa isang non-showbiz guy. Pero ilang buwan pa lang ay naghiwalay na agad sila.
Natuklasan kasi ng singer na may ibang babae ang ex-dyowa niya at magka-live in pa. Bukod doon, meron na rin palang anak yung guy. Itinago sa kanya ng lalaki ang tungkol sa pamilya nito.
“So, nu’ng nalaman ko, medyo dumistansya na po ako. Mahirap na po, e,” paglalahad ni Angeline sa isang interview. Two weeks pa lang ang relasyon nila nu’ng malaman ni Angeline ang lahat.
Officially, tinapos ni Angeline ang relasyon nila last month lang. Ang mas masakit pa raw kay Angeline, sa mga kaibigan pa niya nalaman ang tungkol sa ka-live in at anak ng “ex” niya.
“Kung sarili ko lang ang iisipin ko, pwede-pwedeng naman. Magiging masaya din ako. Pero yung may iiwanan siya, hindi ko kaya. Alam ko naman na mas tama yung ginawa ko, na pinabalik ko siya sa family niya,” sabi ni Angeline.
Anyway, may ipinost naman si Angeline sa kanyang Instagram account recently na picture ng isang guy na nakatayo katabi ng yellow Camaru sports car. Binati ito ni Angeline ng happy birthday.
Napag-alaman namin na ang lalaki sa photo ay si Chris Marco Chan. Ang daming netizens ang kinilig nu’ng mag-thank you ang guy kay Angeline kaya inakala ng lahat na ito na ang bagong inspirasyon ng singer.
Ayon kay Angeline, matagal na niyang kakilala si Chris. Knows din daw ng kanyang Mama Bob ang guy pero aniya friends lang sila.
But wait, may pahaging naman si Angeline na “konti pa” tungkol sa. friendship nila ni Chris. Meaning, konting push na lang siguro ay posibleng maging sila na.
* * *
Hindi naman makapaniwala ang acoustic singer na si Princess Velasco na magiging leading lady siya sa isang pelikula. Siya ang love interest ni Ronnie Liang sa latest movie ni Direk Nejl de Mesa na “Harang.”
Naka-experience na si Princess na lumabas sa mga pelikula noon, pero puro special appearances lang gaya sa “Deadma Walking” ng T-Rex Entertainment at sa “Kontradiksyon” ni Direk Njel.
“Pero super cameo lang talaga. Ngayon, buo na. Lumi-leading lady na po,” nahihiya at naaalangang pahayag ni Princess.
Actually, idea at konsepto ni Princess at ni Direk Njel ang kwento ng “Harang”, “Matagal na nga naming pinag-usapan ni Direk ‘to. Na-mention niya sa akin na ako raw ang leading lady. Sobrang nahiya ako. Pero, sobrang excited ako at sobrang challenging sa akin to. Totoo ‘yun. Hindi ako nag-e-eme.”
Noon pa man ay gusto na raw niyang mag-try umakting sa pelikula. In fact, pinag-workshop siya ng Viva noon. Pero nagtapos ang kontrata niya pero hindi nabigyan kahit isang pelikula.
“After ng dalawang workshops nila sa akin, siguro, ‘Ay, huwag na (siyang mag-artista). Ha-hahaha! Never akong nabigyan ng chance kasi nga, focus sila sa akin as a singer,” aniya pa. At para kay Princess, it’s not too late for her to try acting kahit may asawa (na isang doktor) at anak na siya.
Tungkol naman sa leading man niya sa “Harang” na si Ronnie Liang, nagkakasama na raw sila sa mga show noon during her Viva days. Pareho kasi sila ng handler that time.
“Tingin ko magiging okey si Ronnie. At siyempre, effort talaga ako na maging believable yung tandem namin,” paliwanag pa ni Princess.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.