Wish ng netizens: Sana sina Kris at Willie na sa ending... | Bandera

Wish ng netizens: Sana sina Kris at Willie na sa ending…

Cristy Fermin - March 17, 2020 - 12:56 AM

Mula sa Boracay ay inilipad ni Willie Revillame sa Mindoro si Kris Aquino. Ipinasundo ng TV host si Kris at ang mga anak nitong sina Joshua at Bimby sa pinagkakatiwalaan niyang piloto.

Nakadalawang araw lang sa Boracay ang mag-iina, ang plano ni Kris na pagbabakasyon nang matagalan sa isla ay napabilis, dahil sa mga pangangailangan nilang gamot na regular nilang iniinom.

Ang beach house ni Willie ang paborito niyang puntahan ngayon kasama ang kanyang production staff. Tanggal ang stress ni Willie sa trabaho kapag nandu’n siya sa Puerto Galera.

May kumpleto siyang household sa beach house, nagdadala siya ng kusinera na puro sariwang pagkaing nabibili sa isla ang niluluto, ‘yun ang simpleng buhay para sa aktor-TV host.

Ang pinung-pino at puting-puting buhangin sa kanyang beach house ay nanggaling pa sa ibang bansa. Ganu’n katindi ang preparasyon ni Willie para sa bago niyang pinagkakaabalahan.

Palagi ring naka-standby lang ang kanyang yate at chopper, anumang oras siyang kailanganin sa Maynila ay napakabilis niyang makababalik, wala siyang iniintinding traffic na tulad natin.

Dahil sa closeness na ipinakikita nina Willie at Kris ay maraming netizens ang nagsasabing sana nga ay silang dalawa na ang magkatuluyan. Bagay na bagay raw kasi sina Willie at Kris.

Puro halakhak lang ang isinasagot du’n ng dalawa, hindi nila sineseryoso ang mga sinasabi ng iba, sapat na raw na magkaibigan sila.

Sabi ni Kris sa amin nu’ng minsan, “He has always been good to us, most especially to kuya, he’s very special to us din.”

Pero hanggang du’n lang ‘yun, walang labis, walang kulang. Hanggang sa pagkakaibigan lang talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending