‘Gutom’ comment ni Panelo supalpal kay Chynna
Binanatan ni Kapuso TV host-actress Chynna Ortaleza si Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil sa insensitive remark nito tungkol sa mga manggagawang Pinoy.
Basag na basag si Panelo sa mga comments ng netizen matapos magsalita sa isang panayam hinggil sa month-long community quarantine sa Metro Manila.
Hindi nagustuhan ng publiko ang komento ng opisyal tungkol sa pangamba ng ilang empleyado na maaapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, “Walang namamatay sa gutom. Sa isang buwan hindi ka mamamatay. Konting sakripisyo tayo… (dahil baka) ikaw ay magiging carrier (ng COVID-19).”
Hindi nakatiis si Chynna at talagang sinagot ang pahayag ni Panelo sa pamamagitan ng Twitter. Aniya, “I wonder if he is aware that there are so many Filipinos who do not know if they will be able to put another meal on the table?”
“A little consideration would be appreciated. I am from the working class and if I stop working then soon my family will not suffice,” matapang pang pahayag ng misis ni Kean Cipriano.
Marami naman ang um-agree sa Kapuso star at sumaludo pa sa kanyang katapangan na talakan ang government official.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.