Karla kinakarir ang negosyo; may bonggang plano sa Leyte | Bandera

Karla kinakarir ang negosyo; may bonggang plano sa Leyte

- March 12, 2020 - 12:25 AM

ASIDE from her Queen Mother Salon ay may gusto pa palang maging negosyo si Karla Estrada.

We were able to interview her last Sunday sa opening ng 8th branch ng Queen Mother Salon sa UltiMart Mall sa San Pablo City, Laguna.

Naunang nag-open ang Tomas Morato branch at sinundan ito ng branch sa Tacloban City. Si Armando Cruz, Jr. ang katuwang ni Karla sa salon business.

“Siya talaga ang may passion sa pagsa-salon. Nong naisip namin na gumawa ng Queen Mother Salon, idea niya lahat ito. Pinaubaya ko sa kanya dahil ang tiwala ko sa kanya ay siyento porsiyento,” say ni Karla.

Actually, saglit lang since nag-open siya ng dalawang branch ng salon ay sumunod na kaagad ang franchise.

“Alam mo saglit lang kasi hindi basta-basta ganoon magpa-franchise pero saglit lang kasi number one ang salon ay hindi nauubusan ng nagpapagupit kasi araw-araw ay humahaba ang buhok ng tao.

“Every week ay may nagpapakulay. Necessity ito talaga. Ako, napakahilig kong tumambay sa salon so alam ko kung gaano kaganda ang business na ito,” aniya pa.

Ang next plan ni Karla ay magtayo ng events place sa Leyte.

Ang branch owners na sina Mr. Edwin Miranda at Emma Chavez ay proud owners ng Queen Mother Salon.

“Ever since po ay dream ko nang magkaroon ng salon. Okay naman ang service nila. Napapanood ko lang si Karla. Aside from this, we are also into fire protection business,” say ni Emma.

“Actually, matagal na kaming naghahanap ng puwesto sa Manila. Nabakante ang lugar na ito at kami ang gumawa ng fire protection nito,” say ni Edwin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending