‘Prenup photos’ nina Kiray at Stephan viral na; ikakasal na nga ba?
IKAKASAL na nga ba si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia?
‘Yan ang tanong ng kanyang fans matapos kumalat sa social media ang umano’y prenup photos nila ng dyowa na kuha sa isang farm sa Naic, Cavite kung saan ginaya at itinayo ang ilang kilalang tourist attractions sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Caption ni Kiray sa kissing photo nila ni Stephan, “Sabi nga nila, ‘One day, i will travel the whole world with the person i love the most.’ NATUPAD NA NGA!!!”
“Sa naic cavite lang po ito. At since lahat ng sulok sa lugar nato eh instagramable, Meron silang day tour para sainyo.
“Magandang Location rin to para sa tiktok mo. HAHAHAHAHAHA! Kami ng family ko ng overnight kami. Kasama ng mga friends namin. So para sa mga walang lovelife, pwedeng pwede niyong yayain pamilya or kaibigan niyo.”
“Btw, hindi ito prenup. HAHAHAHAHAHAHAHHAHA (laughing in terms emoji).”
Sa Instagram account naman ng boyfriend ni Kiray, “prenup trip” lang ang mga litrato nila ng girlfriend at hindi pa sila magpapakasal.
Pero kasabay nito, ibinandera rin ng binata sa buong universe kung gaano niya kamahal si Kiray. Aniya, “Yung jowa mong pinagtritripan ka sa lahat ng picture niyo.
“Prenup nga trip pala i love you very much johanna ismael celis (revolving hearts emoji).”
Samantala, isa sa mga nag-comment sa post ni Kiray ang Kapuso actress na si Lovi Poe na makakasama niya sa upcoming series ng GMA.
Sey ni Lovi, “Inlababo (two hearts emojis).” Na sinagot naman ni Kiray ng, “Mana po sayo aling virgie! (blue heart emoji).” Ang Virgie ay hango sa real name ni Lovi na Lourdes Virginia Poe.
May ilang netizens na nagkomento ng negatibo patungkol sa magdyowa pero mas marami pa rin ang bumati kay Kiray at nagsabing sana raw ay sa kasalan na nga mauwi ang kanilang pagmamahalan. At ang nagkakaisa nilang sabi kina Stephan at Kiray, “Sana all.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.