‘Sana ampunin din ako ni Heart, kaya ko ring maging aso!’
“PARANG gusto ko na lang maging aso ni Heart!” Yan ang karamihan sa comments ng netizen nang mag-viral ang litrato ni Panda, ang alaga niyang aapin (asong Pinoy).
Inggit na inggit ang mga fans at followers ni Heart sa social media nang makita si Panda na buhay reyna dahil sa bonggang pag-aalaga ng Kapuso actress sa kanya.
Imagine, bukod sa kanyang mga mamahaling gamit, accessories at pagkain kumpleto rin siya ngayon sa coronavirus gear.
Nag-post si Heart sa Twitter ng litrato ni Princess Panda suot ang kanyang face mask with natching scarf at bonggang pearls. Caption niya sa photo, “Kaya natin toh.”
Pinusuan ng netizens ang sosyal na litrato ni Panda at karamihan nga sa mga nag-comment ay nagsabing sana ay ampunin na rin sila ng Kapuso actress.
Sey ng isang fan ni Heart, “Ang hirap ng buhay parang gusto ko na lang maging aso ni Heart Evangelista.”
Chika naman ng isa pa, “Buti pa si Panda protected na sa coronavirus! Kami wala pa ring mabiling face mask. Nasan ang hustisya. Heart please ampunin mo na rin ako kaya ko ring maging aso.
Keri kong mag play dead!”
E , sino ba naman ang hindi maiinggit kay Panda? Siya na yata ang pinakapinagpalang aspin sa buong universe with her luxury items and accessories like Goyard leash, Hermes, Louis Vuitton, and Yves Saint Laurent scarf at Louis Vuitton blanket. Saan ka pa? E, di ikaw na talaga Panda!
Sa isang IG post, sinabi rin ni Heart na parang tao rin si Panda because she’s witty, may sense of humor and a certified fashionista.
Isa si Heart sa mga kilalang celebrities na certified animal rights activist. She has collaborated with the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) for several projects na ang pinaka-objective ay matigil ang animal cruelty sa pamamagitan ng animal sheltering at advocacy.
Telebabad!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.