JM, Kiko papasok na rin sa Air Force | Bandera

JM, Kiko papasok na rin sa Air Force

Reggee Bonoan |March 11,2020
facebook
share this

JM, Kiko papasok na rin sa Air Force

Reggee Bonoan - March 11, 2020 - 12:20 AM

JM DE GUZMAN AT KIKO ESTRADA

NAG-APPLY na rin ang Pamilya Ko actors na sina JM de Guzman at Kiko Estrada bilang reservist sa Philippine Air Force.

Um-attend na ang dalawang Kapamilya stars sa ginanap na PAF briefing kung saan tinuruan na rin sila kung paano humawak ng rifle nitong nagdaang Lunes.

Base sa litratong ipinost ni JM sa kanyang Instagram account kasama si Kiko na nakasaludo, “Me and Kiko Estrada learning courtesy and drills. first step on our way to Air Force reserve. Thank you coach for the guidance Staff Sgt. Jimmy Jandog Angana. 1Lt. Shahani Ballares for the lectures and Col. Bon Castillo for welcoming us.”

Habang sinusulat namin ito, umabot na sa 18.7k likes at 97 comments ang post ni JM at halos lahat ay bumabati sa bagong journey ng dalawang aktor.

Wala namang ibinigay na petsa si JM kung kailan sila magsisimulang mag-training ni Kiko dahil kasalukuyan pa ring umeere ang teleserye nilang Pamilya Ko at balitang hanggang Mayo pa ito.

Kaya’t posibleng bandang Hunyo pa sasabak sa matinding military training ang dalawang aktor tulad ng ginawa nina Matteo Guidicelli, Ejay Falcon, Rocco Nacino at Dingdong Dantes na umabot sa mahigit isang buwan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending