Ivana na-shock sa kayamanang ipinamana ng ama | Bandera

Ivana na-shock sa kayamanang ipinamana ng ama

Reggee Bonoan |March 11,2020
facebook
share this

Ivana na-shock sa kayamanang ipinamana ng ama

Reggee Bonoan - March 11, 2020 - 12:15 AM

IVANA ALAWI

Kung hindi pa nabanggit ni Ivana Alawi sa kanyang guesting sa Magandang Buhay nitong Lunes na wala na ang daddy niya noon pang 2018 ay hindi pa namin ito malalaman.

Nu’ng pinanood kasi namin ang “My House Tour in Bahrain” vlog niya sa YouTube ay hinanap namin ang kanyang tatay.

Bagama’t may nabanggit na kumatok muna siya habang papasok sa kuwarto ng tatay niya para hindi magpakita, inakala naming joke lang iyon ng sexy star.

Naisip pa nga namin na bakit kailangan niyang i-retain ang malaking bahay nila sa Bahrain gayung dito naman na sila sa Pilipinas naka-base lalo’t kasagsagan ng career niya ngayon pagkatapos ng ilang taong pagsisikap.

Sentimental si Ivana at gusto niyang buhay lang ang alaala ng ama sa pamamagitan ng bahay na iyon kung saan siya lumaki at nagkaisip.

“Nu’ng bago siya nawalan, he texted me. ‘Can you come to the hospital?’ He was at the beach sa Subic. I went there and sabi niya, ‘Picture tayo.’ Nag-picture kami and then after five minutes, namatay. And then after that ibiniyahe na ‘yung body niya to Bahrain, doon niya kasi gustong magpalibing kasi nandu’n ‘yung family niya.

“Nagulat ako akala ko kasi parang he forgot na about us, pero ang dami niyang iniwan na properties. Na-realize ko that time, nakita ko sa papers, lahat nasa name ko, and then parang he said, ‘Ikaw na bahala sa mga kapatid mo.’

“Binisita ko (libingan) nu’ng nasa Bahrain ako, tapos sabi ko parang ang bilis ng buhay no? You don’t know when are you going to be under the lupa. So sabi ko be good to everyone maging humble ka, at wag kang mananakit ng tao, tapos sabi ko I will treat everyone as how he taught me,” sabi ni Ivana.

Base sa vlog ng dalaga ay pitong taong gulang siya nang maghiwalay ang magulang niya at nagdesisyong bumalik ng Pilipinas ang ina na sa panahong iyon ay buntis sa bunso nilang si Mona na nauna pang nag-artista sa kanya.

Nabanggit pa ni Ivana sa kanyang vlog, saksi siya kung paano mag-away ang magulang na humahantong pa sa habulan ng kutsilyo hanggang sa hindi na nakatiis ang ina.

“Noong lumipat na kami sa Philippines nagkanya-kanya na. And then sometimes nakikita namin siya. Recently, nu’ng bumalik ako sa ABS-CBN, nagkakausap kami, nanonood siya ng Ang Probinsyano, pero wala na rin kaming samaan ng loob. Akala ko may ibang family na siya, pero nagkikita-kita kami I don’t ask him na kung may iba na ba siyang (pamilya).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It turned out, wala palang naging ibang pamilya ang ama kaya sa kanilang magkakapatid lahat iniwan ang ari-arian nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending