#WalangPasok: Navotas City nagsuspinde na ng klase sa Lunes dahil sa coronavirus | Bandera

#WalangPasok: Navotas City nagsuspinde na ng klase sa Lunes dahil sa coronavirus

- March 07, 2020 - 04:09 PM

INIHAYAG ng Navotas City ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) matapos namang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng deadly virus.

Sa isang tweet,  sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sakop ng walang pasok ang kindergarten hanggang kolehiyo. 

“#Walangpasok sa Lunes March 9,2020 sa lahat ng antas magmula kindergarten hangang college, sa lahat ng paaralan sa #Navotas both public and private,” sabi ni Tiangco.

“At ako ay nakikiusap sa #deped na automatic passing para sa lahat ng estudyante for this school year dahil sa #COVID19,” dagdag ni Tiangco.

Inihayag ng DOH ang ika-anim na kaso ng COVID-19 kung saan nahawa ang misis ng ika-limang pasyente.

Nagpalabas na ng code red, sub-level 1 dahil sa banta ng coronavirus. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending